Ang
anteryor ay isang teknikal na salitang ginagamit upang ilarawan ang anumang kayarian, istruktura, o bahagi ng katawan na nasa harapan o harap ng alinmang iba pang mga bahagi kapag nakatindig o nakatayo ng tuwid ang isang tao. Katumbas ito ng mga salitang
pang-unahan,
pangnguso,
pambungad; o ng mga pariralang
nasa delentera,
mas nauna,
mas maaga,
nasa ulo (ng mababang uri ng hayop),
malapit sa ulo (ng mababang uri ng hayop),
nasa harapan (ng mas mataas na uri ng hayop), at
nasa harapan at malayo sa aksis o tangkay ng halaman. Kabaligtaran ng
anteryor ang salitang
posteryor.