antibiyotiko


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Antibiyotiko
Sa karaniwang gamit, ang antibiyotiko o antibayotiko (mula sa mga salita ng Matandang Griyegong ἀντί – anti, “laban":, at βίος – bios, “buhay”) ay isang sustansya o kumpuwesto na pumapatay ng bakterya o umaampat ng kanilang paglago o pagkalat. Kasapi ang mga antibiyotiko sa malawak na pangkat ng mga kumpuwestong antimikrobyo, na ginagamit sa paggamot ng mga impeksyong dulot ng mga mikroorganismo kasama rito ang mga amag fungi at protozoa. Sa payak na pananalita, ang antibayotiko ay ang gamot na panlaban sa impeksyon. Nakapipigil o nakapagpapahinto ito ng paglaki o nakapapatay ng mga bakterya. Nagmula o ginawa ang unang mga antibayotiko mula sa mga bagay na may buhay, katulad ng mga amag.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.