Ang panlaban ng katawan o pangontra ng katawan laban sa sakit (Ingles: antibody o "panlaban [ng katawan] laban sa [ibang] katawan"), tinatawag ding imyunoglobulina (may sagisag na Ig), ay isang protina sa dugong nabubuo at lumalabas bilang reaksyon ng katawan laban sa sakit o upang malabanan ang lason na sanhi ng ibang klase ng sustansya; katulad halimbawa na ng ilang mga protina at mga polisakarida (mga polysaccharide). Isa ito sa ilang bilang ng mga sustansyang nililikha ng katawan upang mapaglabanan ang ilang kilos, galaw, o aksyon ng mapaminsalang mga mikrobyo.