Ang
antispetiko (Ingles:
antiseptic, Griyego: ἀντί:
anti, '"laban" + σηπτικός:
sēptikos, "putrepaktibo", "nakakabulok", "nakakasira") ay isang sustansiya na inilalapat sa mga sugat sa
balat. Dahil sa antispetiko, nababawasan ang kalamangan na maimpeksiyon ang sugat. Kung kaya't sa ibang pananalita, ang mga antiseptiko ay mga sustansiyang antimikrobyal (mga antimikrobyal o "laban sa mikrobyo", antimikrobyo) na inilalapat sa
tisyung biyolohikal na may buhay upang mabawasan ang maaaring pagkakaroon ng imperksiyon, sepsis, o putrepaksiyon (pagkabulok). Kabilang sa karaniwang ginagamit na antiseptiko ang
alkohol,
iyodina at mga
langkapang merkuryo. Naiiba ang mga antiseptiko mula sa mga
antibiyotiko: ang mga antiseptiko ay maaaring gamitin lamang sa ibabaw ng balat, samantalang ang mga antibiyotiko ay maaari ring paglakbayin sa loob ng
katawan sa pamamagitan ng
sistemang limpatiko upang lipulin ang
bakterya. Naiiba rin ang mga antiseptiko mula sa mga disinpektante: ang mga disinpektante ay ginagamit lamang sa mga bagay na walang
buhay upang sugpuin ang mga
mikroorganismong nasa ibabaw ng mga bagay na ito.