Ang
apog o
kabuyaw (Ingles:
lime o
agricultural lime) ay isang
mineral na gamit sa paglilinang ng sakahang lupa.. Bago maging panghalo sa lupa, nagmumula ito sa pinulbos na mga
batong-apog o kaya mula sa tisa. Tinatawag din itong
pirali at
kalbida.
Apugan ang tawag sa pabrika o pagawaan ng mga apog. Nangangahulugan din ang
apugan ng kilos o galaw na paglalagay ng apog, na katumbas ng
mag-apog.
Apugin naman ang ginagamit na salita para sa "paggawa ng apog" o "gawing apog".