Ang
yago ng mansanas o
hugo ng mansanas (Ingles:
apple juice, Kastila:
jugo de manzana) ay ang katas na nagmumula sa mga
mansanas. Wala itong
alkohol at lasang matamis dahil sa mga likas na mga asukal ng mga prutas. Nakagagawa ng
sidra at mga kalbado mula rito. Ilang uri ng mga sidra at lahat ng uri ng mga kalbado ang naglalaman ng mga alkohol na etanol.