Ang
nilapat na agham (Ingles:
applied science) ay ang paglalapat o paggamit ng kaalaman ng tao upang makabuo o makapagdisenyo ng mga bagay na magagamit. Halimbawa nito ang pagsubok sa isang modelong makateoriya sa pamamagitan ng paggamit ng agham na pormal o paglulunas ng isang problemang praktikal sa pamamagitan ng paggamit ng
agham na likas. Ang mga larangan sa
inhinyeriya ay malapit na may kaugnayan sa nilalapat na mga agham. Mahalaga ang agham na nilalapat para sa pagpapaunlad ng
teknolohiya. Ang paggamit nito sa mga tagpuang pang-industriya ay karaniwang tinutukoy bilang
research and development (R&D) sa Ingles, na may ibig sabihing
pananaliksik at pagpapaunlad. Kaiba ang nilapat na agham magmula sa agham na saligan (siyensiyang pundamental), na naglalayong mailarawan ang pinaka saligang mga bagay o mga puwersa, na mayroong mas kakaunting pagbibigay ng diin sa mga paggamit o paglalapat na praktikal. Ang agham na nilalapat ay maaaring maging katulad ng agham na pangbiyolohiya at agham na pangpisika (agham na pisikal).