apulid


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Apulid
Ang apulid (Ingles: Chinese water chestnut o water chestnut [karaniwang katawagan sa Ingles na ang literal na salin ay kastanyas-tubig]; pangalang pang-agham: Eleocharis dulcis) ay isang halamang kamukha ng sedge (isang tila-damong yerba) na itinatanim dahil sa mga nakakaing corm. Ang apulid ay mayroong hugis-tubo at walang-dahong mga tankay na lumalaki hanggang 1.5 mga metro. Ang iba pang mga singkahulugang pangalang ginagamit para sa apulid ay ang mga sumusunod: E. equisetina, E. indica, E. plantaginea, E. plantaginoides, E. tuberosa, at E. tumida). Ang halamang water caltrop, na tinatawag din na water chestnut sa Ingles, ay hindi kamag-anak ng apulid ngunit palagiang napagkakamalang apulid.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.