Ang mga
Araknid ay isang klase (
Arachnida) ng mga
may dugtong na paa invertebrate na
hayop na nasa sublaping Chelicerata. Ang lahat ng mga araknid ay may walong paa ngunit may ibang uri na ginagamit ang unang pares ng paa bilang pandadam at mga larva ng harvest mite na mayroon lamang na 3 pares ng paa. Ang terminong araknid ay mula sa
Griyegong salita na άράχνη o
arachne, na ibig sabihin ay gagamba. Ito rin ay tumutukoy sa
mitolohikal na karakter na si Arachne.