aries

Found in thesaurus: individual, mortal, person, somebody, someone, soul

Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Aries
Ang Aries ang pangunahing Signo ng sodyak, at ang planetang namumuno sa kanya ay ang planetang Mars, ang planeta ng aksyon. Ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng signo ng Aries ay gustong parating sila ang nangunguna, kesehodang matapakan o masaktan nila ang iba. Kung merong mga ipinanganak na pinuno, siguradong ang mga Aries ito. Gusto nilang magsimula ng mga bagay-bagay na ipapatapos nila sa iba. Ayaw nilang tapusin ang isang bagay na sinimulan dahil madali silang magsawa at gusto na naman nila ng bago. Matapang, walang-takot at walang pasubali ang mga Aries kaya natural na parati silang lider. Malaki ang tiwala ng mga Aries sa sarili nila, kung matututunan sana lamang nila na mahalin at respetuhin ang iba, walang hanggang ang kanilang mga maaabot. Ayaw tumanggap ng pagkatalo o kabiguan ng mga Aries. Lalaban sila ng lalaban hanggang sa magtagumpay sila o mamamatay na lang hanggat maabot nila ang kanilang mga inaasam-asam.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.