Ang arkitektura ay ang sining at agham ng pagdidibuho ng mga gusali. Sa isang malawak na kahulugan, mula sa mataas na antas ng pagpapaplano ng bayan, dibuhong urbano, at arkitekturang pantanawin hanggang sa mababang antas ng pagdibuho ng kasangkapan o produkto, at kabilang sa sakop nito ang pagdibuho ng kabuuan ng ginawa o kinathang kapaligiran.