Ang
arkitekturang pantanawin o
arkitektura ng tanawing panlupa (Ingles:
landscape architecture) ay ang pagdidisenyo ng panlabas na pampublikong mga pook, mga palatandaang pook (mga muson o muhon), at mga kayarian upang makapagkamit ng mga resultang pangkapaligiran, panlipunan, pang-ugali, at estetiko. Kinasasangkutan ito ng masistemang pagsisiyasat ng umiiral na mga kalagayan at mga prosesong panlipunan, pang-ekolohiya, at pangheolohiya sa tanawing panlupa, at ang pagdidisenyo ng mga pamamagitan o interbensiyon na makakagawa ng hinahangad na resulta. Nasasaklawan ng propesyon ang mga sumusunod: disenyong urbano; pagpaplano ng pook (pagpaplano ng sityo); pamamahala ng tubig ng bagyo; pagpaplanong pambayan o pagpaplanong urbano; restorasyong
pangkapaligiran; pagpaplano ng mga liwasan at rekreasyon; pamamahala ng napagkukunang biswal; pagpaplano at probisyon ng imprastrukturang lunti; at may kasanayang pagbabalak at pagdidisenyo (
master planning and design) ng tanawin sa pribadong
lupain at
residensiya; na ang lahat ay nasa magkakaibang mga sukat ng disenyo, pagpaplano at pamamahala. Ang isang praktisyunero sa propesyon ng arkitektura ng tanawing panlupa ay tinatawag na
arkitektong pantanawin o
arkitekto ng tanawing panlupa.