Ang
arseniko o
arsenik (,
Ingles:
arsenic) ay isang uri ng
elementong kimikal at lasong
metaliko. Mayroon itong atomikong bilang na 33, atomikong timbang na 74.992, balensiyang 3 o 5, at sagisag na
As. Natutunaw ang abuhing arseniko sa temperaturang 817 °C (habang nasa 28 na presyong atmosperiko, sagisag
atm), sumisingaw (sublima) sa temperaturang 613 °C, at may espesipikong grabidad na 5.73. Mayroon itong tatlong anyong alotropiko, na nasa anyong may kulay na dilaw, itim, at abuhing kristalina. Ginagamit ang arseniko bilang insektisidyo o pamatay ng pesteng mga kulisap, pamatay ng mapinsalang mga damo, at inihahalo rin sa mga
aloy.