Ang mga
may bilang na even na mga daliring unggulado o
even-toed ungulate (
Artiodactyla) ang mga
ungguladong hayop na may bilang na even ng mga daliri na karaniwan ay dalawa o apat sa bawat paa. Ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng mga
baboy, mga peccary, mga
hippopotamus, mga
kamelyo, mga llama, mga chevoratain, mga
usa, mga
giraffe, mga pronghorn, mga antelope. mga
tupa, mga
kambing at mga
baka. Ang pangkat na ito ay hindi kinabibilangan ng mga balyena(
cetacea) bagaman ang kanilang sekwensiya ng
DNA ay nagpapakitang sila ay nagsasalo ng isang karaniwang ninuno na gumagawa sa pangkat na parapiletiko. Ang tumpak na
pilohenetikong pangkat ang Cetartiodactyla (mula sa
Cetacea + Artiodactyla). May mga 220 species ng artiodactyla. Ang isa pang karagdagang katangiang nagtatangi sa pangkat na ito ang hugis ng astragalus(talus) na isang buto sa kasukasuang bukongbukong na may dobleng istrukturang pulley. Ito ay nagbibigay sa paa nito nang mas malaking pleksibilidad.