Ang
Artipisyal na Seleksiyon (o selektibong pagpaparami) ay naglalarawan ng sinasadyang pagpaparami ng ilang mga katangian ng mga organismo o kombinasyon ng mga katangian nito. Ang terminong ito ay ginamit ni
Charles Darwin bilang salungat sa
natural na seleksiyon kung saan ang diperensiyal na pagpaparami ng mga organismo na may ilang mga katangian ay maituturo sa mga napabuting kakayahang pagpapatuloy o reproduktibo(pagpaparami). Salungat sa artipisyal na seleksiyon kung saan ang mga tao ang pumabaor o pumipili ng mga spesipikong katangian, sa natural na seleksiyon, ang kapaligiran o kalikasan ang umaasal bilang panala kung saan ang ilang mga bariasyon lamang ang maaaring maipasa. Ang sinasadyang paggamit ng artipisyal na seleksiyon ay naging labis na karaniwan sa biolohiyang eksperimental gayundin sa pagtutuklas at pag-iimbento ng mga bagong
droga(gamot). Ang artipisyal na seleksyon ay maaari ring hindi sinasadya. Pinaniniwalaang ang
domestikasyon ng mga pananim ay malaking hindi sinasadya.