- Tumutukoy ang artikulong ito sa artista bilang umaarte. Para sa taong alagad ng sining, tingnan ang artista (sining).
Ang isang
artista (minsan
aktor kapag lalaki at minsan
aktres kapag babae) ay isang taong
umaarte, o gumaganap ng isang bahaging gagampanan, sa isang artistikong produksyon. Kadalasang ginagamit ang kataga sa mga taong nagtratrabaho sa
pelikula,
telebisyon,
teatro, o
radyo, at minsan isang nagbibigay libangan sa kalye.