Ang
sining, bagaman kadalasang tumutukoy ang salitang ito sa
sining biswal, ay patuloy na nagbabago ang kaisipan na kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang pinakamaigsing kahulugan nito – tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao, di kabilang ang mga gawaing may tuwirang ugnayan sa pananatili ng buhay at
pagsusupling. Mula sa isang malawak na
pagpapalagay, isang pangkalahatang kataga ang sining para sa anumang naibunga ng pagiging
malikhain, na tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao katulad ng
agham sa pamamagitan ng
alkimiya, at
relihiyon sa pamamagitan ng
shamanismo.