Ang
asero (Ingles:
steel) ay isang
haluang metal o
aloy na binubuo ng karamihang
bakal, na naglalaman ng
karbon na nasa pagitan ng 0.2
t 2.1
yon sa timbang, na ayon din sa grado ng asero. Ang karbon ang pinaka pangkaraniwang materyal na panghalo para sa bakal o yero, ngunit may sari-saring iba pang mga elementong panghalo na ginagamit, katulad ng mangganesyo,
kromyo,
banadyo, at
tungsten. Gumaganap ang karbon at iba pang mga elemento bilang mga ahenteng pampatigas, na nagpapaiwas sa mga dislokasyon (pagkawala sa puwesto) ng mga balag na kristal ng atomong bakal mula sa pagdulas sa isa't isa.