Ang isang
asido o
aksido (mula sa salitang Arabeng
Azait, na nangangahulugang "langis", na karaniwang ipinakikita bilang
AH) ay isang
kompuwestong kimikal na karaniwang natutunaw sa tubig at may
maasim na lasa. Sa karaniwang kaisipan, ang isang asido ay kahit anong sustansya na kapag tinunaw o inihalo sa tubig ay nagdudulot ng pH na mas mababa sa 7. Sa pangmalawakang gamit sa agham, ang asido ay isang
molekula o
iono na nagbibigay ng isang proton (ionong H
+) sa isang base, o tumatanggap ng isang hindi pa naibabahaging pares ng elektron (hindi pinasasaluhang pares ng mga elektron) sa isang base. Nakikipagsanib ang isang asido sa isang base sa neutralisasyon upang makabuo ng isang
asin.