Ang mga
asidong nukleyiko ay mga
molekulang biolohiko na mahalaga para sa mga alam na anyo ng buhay sa daigdig. Ang mga ito ay kinabibilangan ng
DNA(asidong deoksiribonukleyiko) at
RNA(asidong ribonukleyiko). Kasama ng mga
protina, ang mga asidong nukleyiko ang pinaka-mahalagang mga makromolekulang biolohiko. Ang bawat isa ay matatagpuan sa kasaganaan sa lahat ng mga nabubuhay na bagay kung saan ang mga ito ay gumagampan sa pagkokodigo, paghahatid at paghahayag ng impormasyong
henetiko. Ang mga asidong nukleyiko ay natuklasan ni Friedrich Miescher noong 1869. Ang mga pag-aaral pang-eksperimento ng mga asidong nukleyiko ay bumubuo ng isang pangunahing bahagi sa modernong pagsasaliksik na biolohikal at medikal at bumubuo sa pundasyon ng agham porensiko at
genome gayundin sa mga industriyang
bioteknolohiya at parmasyutikal.