Ang
aspalto,
aspalton, o
alkitran (Ingles:
asphalt para sa aspalto,
tar at
pitch para sa alkitran) ay malagkit,
itim, at malapot na likido o medyo-solido na mayroon ang karamihang mga
petrolyo at ilang mga likas na deposito. Karaniwang ginagamit ito na panambak sa kalye. Ngunit maaaring partikular na tumukoy din ang
alkitran sa maitim, malapot at madikit na
sustansiyang nagmumula sa mga
uling at
kahoy. Halimbawang gamit ng alkitran ang pagpapahid nito sa ilalim ng mga
kotse at pagpipinta sa kahoy.