Ang
asteroyd (
Ingles:
asteroid) o
makabuntala ay isang maliit at solidong bagay sa ating
Sistemang Solar na nag-oorbit sa
Araw. Ang asteroyd ay isang halimbawa ng minor na planeta (o
planetoid) na mas maliit kaysa sa mga
planeta. Karamihan sa mga asteroyd ay pinaliliwalang labi ng
protoplanetary disc na hindi naisama sa mga planeta noong nabubuo ang sistema. Ilan sa mga asteroyd ay may mga buwan. Karamihan sa mga asteroyd ay matatagpuan sa
asteroid belt, na may mga
elliptical na orbit sa pagitan ng
Mars at
Jupiter. Ang pinakamalaki sa mga ito ay
1 Ceres.