Ang
asupre o
sulpura (,
Ingles:
sulfur) ay isang kemikal na elementong gumagamit sa bilang atomikong 16. Ito ay karaniwang ginagamitan ng simbolong
S. Ito ay isang karaniwang multibalente na hindi metal. Asupre, sa katutubong uri, ay matamlay na dilaw na
crystal line solid. Sa
kalikasan, karaniwan ito matatagpuang purong elemento at mga mineral na asuprido at asuprata. Isa itong esensyal na elemento para sa buhay at matatagpuan ito sa mga asidong amino:
cysteine at
methionine. Ginagamit itong pataba, pero karaniwan din ito sa
pulbura,
posporo,
insecticide at
fungicide. Ang elementong asupre na kristal ay kadalasang hinahanap ng mga nangongolekta ng mga mineral dahil sa matingkad nitong mga sukat na polihedron. Tinatawag din itong
brimstone sa Inggles.