Sa kimika at pisika, ang
atomo (Griyegong ἄτομος o
atomos na may kahulugang "hindi mahahati") ay pinakamaliit na partikula na nagbibigay katangian sa isang elementong kimikal. Ang atomo ay binubuo ng isang siksik na
nukleyo ng mga
proton na may positibong karga at mga
neutron na may neutral na karga, at nababalot ng isang mas malaking ulap
dagisik (elektron) na may negatibong karga. Neutral ang isang atomo kapag ang bilang ng mga proton at dagisik ay pareho. Ang bilang ng proton ng isang atomo ang nagtatakda kung anong elemento ito habang ang bilang ng neutron nito ang nagtatakda sa
isotopo o
kahasi ng elemento.