Ang
paroksismo (mula sa Ingles na
paroxysm) ay ang sintomas na may katangiang klamante (apurado, malakas, o pilit) na biglaan ang paglitaw o isang
sumpong. Tinatawag din itong
ihit,
sasal,
bidbid,
silakbot,
sikla, at
paglala ng sakit. Kabilang sa mga sintomas na nagiging
paroksismal o umiihit ang
hapdi,
ubo, at kombulsyon (natatawag ding
paroksismo ang
kombulsyon). Ginagamit din ang salita para sa madalas na pagtindi o pagsidhi (intesipikasyon) ng isang sintomas. Gayundin, ginagamit din ang salita para sa mga panahon o peryodo ng pagkakaroon ng lagnat sa
malarya at iba pang panakanaka (paudlut-udlot o paulit-ulit) o intermitenteng mga lagnat.