Ang terminong
australopithecine ay pangkalahatang tumutukoy sa anumang species sa nauugnay na henera ng
Australopithecus at
Paranthropus. Ito ay maaaring kabilangan rin ng mga kasapi ng
Kenyanthropus,
Ardipithecus, at
Praeanthropus. Ang terminong ay mula sa dating klasipikasyon bilang mga kasapi ng isang natatanging subpamilya na Australopithecinae. Ang mga ito ay inuuri na ngayon ng ilan sa loob ng subtribong
Australopithecina ng tribong
Hominini. Ang mga kasapi ng
Australopithecus ay minsang tinatawag na "mga balingkinitang australopithecine", samantalang ang
Paranthropus ay tinatawag na "mga matipunong australopithecine".