Ang mga
baboy ay mga
ungulado (
hayop na may kuko o
hoof) na nasa klass Mamalia. Likas sa
Eurasia, sama-sama silang nakapangkat sa
genus Sus ang pamilyang Suidae. Maliban sa reputasyon nila sa pagiging matakaw at marumi, isang hindi gaanong kilalang katangian ng baboy ang katalinuhan. Sila, ayon sa experto ay mas magaling pa sa mga aso pagdating sa katalinuhan. Ninuno ng mga
domestikadong baboy ang mga
baboy-ramo.