Ang
bakgamon o
backgammon sa Ingles ay isang
larong tabla para sa dalawang manlalaro na kung saan ginagalaw ang mga nilalarong piyesa sang-ayon sa paggulong ng
betu-beto. Nananalo ang isang manlalaro kapag natanggal ang lahat ng kanyang piyesa mula sa tabla. Napakaraming mga baryante ang backgammon, karamihan may magkakatulad na katangian ang mga ito. Kasapi ang backgammon sa mga pamilyang tabla, isa sa mga pinakamatandang uri ng larong tabla sa buong mundo.