- Para sa ibang gamit, tingnan ang baga (paglilinaw).
Ang
baga ay isang mahalagang kasangkapang panghininga sa mga humihingang
bertebrado, na ang pinaka-isinauna ay ang
isdang may baga. Pangunahing tungkulin nito ang pagdadala ng
oksiheno mula sa
kapaligiran patungo sa agusan ng dugo, at ang paglalabas ng
karbong dioksihenado mula sa daluyan ng dugo patungo sa kapaligiran. Nagaganap ang pagpapalitan ng mga
hanging ito sa pamamagitan ng mga tumpok ng mga natatanging
selula na bumubuo sa mga milyun-milyong maliliit at katangi-tanging may maninipis na dinding na sako ng hangin o alveoli. Mayroon ding hindi-panghiningang tungkulin ang mga baga.