bagay na walang buhay


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Bagay na walang buhay
Ang mga bagay na walang buhay o mga bagay na hindi buhay ay ang mga bagay na hindi matatawag bilang mga bagay na buhay sapagkat hindi sila makakakitaan ng pitong mga katangian na mayroon sa buhay na bagay (iyong kakayahang kumain, gumalaw, magtanggal ng dumi ng katawan, magparami o magsupling, paghinga, pagdama, at paglaki). Ang mga bagay na walang buhay ay nakapagpapamalas lamang ng isa o dalawang mga katangian na karaniwang nakikita sa mga bagay na may buhay. Bilang halimbawa, ang kotse ay umaandar at kailangang lagyan ng gasolina upang maimaneho. Samantala, ang mga kristal ng yelo, tuwing taglamig ay maaaaring lumaki ayon sa kalagayan ng panahon o klima.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.