Ang mga
bahaghari,
bahagsubay o
balangaw (
Ingles:
rainbow) ay mga pulutong ng kulay na nasa
anyo ng
kalahati o buong
bilog. Makikita ang penomeno o likas na kaganapang ito pagkatapos ng pag-ulan, mula sa singaw ng pandilig na may pangwisik, o kaya mula sa singaw-ulap ng isang umaagos na
talon. Nabubuo ang bahaghari mula sa sinag ng araw at mga mahalumigmig na ambon sa hangin.