Sa tradisyonal na paglalarawan, ang
piyansa (
Ingles:
bail) ay isang anyo ng pag-aari na dineposito o ipinangako sa hukuman upang hikayatin itong palabasin ang isang suspek sa bilangguan sa pagkaunawang ang suspek ay babalik para sa isang
paglilitis o isusuko ang piyansa (at posibleng dalhin sa kaso ng
krimen ng pagkabigong humarap sa korte). Sa ilang mga kaso, ang salaping pyansa ay maaaring ibalik sa pagwawakas ng paglilitis kung ang lahat ng mga pagharap sa korte ay naisagawa kahit pa ang taong ito ay natagpuang nagkasala (guilty) o hindi nagkasala sa krimeng inaakusa dito. Kung ang
taongbono ay ginamit at ang ang isang bonong surety ay nakamit, ang kabayaran sa bonong ito ang kabayaran para sa patakarang seguro na binili at hindi na muling mababawi.