Ang
bakal,
yero,
iyero,
uwit,
hero, o
hiero (,
Ingles:
iron, may atomikong bilang na 26, atomikong timbang na 55.847, punto ng pagkatunaw na 1,535oC, punto ng pagkulong 3.00, espesipikong grabidad na 7.874 [sa 20oC], mga
balensyang 2, 3, 4, at 6) ay isang elementong kimikal at metalikong may simbolong
Fe. Makinang ito at may hawig ang kaputian sa kulay ng
pilak. Napupukpok ito, nahuhubog, at nababatak. Nakakagawa mula rito ng
balani. Sa teknolohiya at industriya, nagagamit ang elementong ito sa konstruksyon at paggawa ng mga makinarya, sa napakaraming kaparaanan.