Ang
batubalani /ba·tu·ba·la·nì/ o
bato-balani (Ingles:
magnet, mula sa
Griyegong μαγνήτις λίθος
magnḗtis líthos, "batong magnesyo") ay isang materyal na lumilikha ng magnetikong paligid. Ang magnetikong paligid na ito ay hindi makikita ngunit responsable sa pinakilalang katangian ng isang batubalani: ang
pwersa na humihila sa ibang mga ferromagnetikong mga materyal gaya ng
iron, at umaakit o nagtataboy sa ibang mga batubalani.