- Patungkol ito sa isang uri ng sayaw. Para sa lungsod sa Rusya, magpunta sa Baley.
Ang
ballet (bigkas: /ba-ley/) o
baley ay isang uri ng sayaw na itinatanghal na nagsimula sa mga korte ng Renasimyentong Italyano noong ika-15 daantaon at pagdaka ay umunlad upang maging isang anyo ng sayaw na pangkonsiyerto sa Pransiya at Rusya. Magmula noon, ito ay naging isang anyo ng sayaw na malaganap at mayroong mataas na teknikalidad, na nagkaroon ng sarili nitong talasalitaan. Naging pandaigdigan ang impluwensiya nito at nailarawan nito ang pansaligan o pundamental na mga teknikang ginagamit sa maraming iba pang mga henero o
genre ng sayaw. Ito ay karaniwang sinasaliwan ng
musikang pamballet.