Tumutukoy ang
sayaw na pambulwagan o
sayawing panlipunan (kilala sa Ingles bilang
ballroom dancing at
social dancing) sa isang uri ng
pagsasayaw sa loob ng isang bulwagan na may katambal, karaniwang lalaki at babae, na kinawiwilihan ng lipunan at pampaligsahan ng mga dalubhasang mga
mananayaw. Ikinasisiya rin ang pagsasagawa at pagpapalabas nito sa mga tanghalan,
pelikula, at
telebisyon. Bagaman, ayon sa kasaysayan ng
sayawang ito, maaaring tumuring ito sa kahit na anong anyo ng pormal na pagsasayaw na panglipunan bilang isang
libangan, naging mas makipot ang sakop nito dahil sa paglitaw ng mga paligsahang pangsayawan sa makabagong panahon. Sa pangdalubhasa, tiyakang umutukoy ito sa mga estilo ng sayaw na ayon sa Pamantayang Pandaigdigan at batay sa Pandaigdigang Latino.