- Para sa bangko bilang kasangkapan, tingnan ang upuan.
Ang
bangko ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang gaya ng sa merkado ng mga kapital. Ang bangko ang nag-uugnay sa mga kliyente o mga namumuhunan na may kakulangang sa puhunan o kapital, at mga kliyente na may labis na puhunan.