Ang
bandyo ay isang uri ng
instrumentong pangtugtugin na may kwerdas o bagting. Unang tinugtog ang bandyo ng mga aliping Aprikano sa
Estados Unidos noong ilang mga daang taon na ang nakalilipas. Nagmula ang ideya ng paglikha sa bandyo mula sa iba pang mga instrumentong pangmusikang Aprikano. Pinaniniwalaang nagmula ang
bandyo (
Ingles:
banjo) sa
mbanza, isang salitang Kimbundu ngunit maaaring ring hango sa Senegambiyanong salita para sa
kawayang patpat para sa leeg ng bandyo.