Ang
bansang kulang sa pag-unlad o
bansang may kakulangan ang kaunlaran (Ingles:
underdeveloped country) ay mga bansang kulang sa pag-unlad kaugnay ng pangkabuhayan o ekonomiya. Kilala ang ganitong sitwasyon sa Ingles bilang
underdevelopment o
economic underdevelopment. Ang kakulangan sa pag-unlad ng mga bansang ito ay mayroon matatawag na mga sintomas, na kinabibilangan ng kakulangan sa pagkakaroon ng mga pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay, pangangalagang pangkalusugan, maiinom na tubig, edukasyon, at pabahay. Noong 1948, ginamit na ang katagang
underdevelopment sa isang pagpupulong ng Organisasyon ng mga Bansang Nagkakaisa sa Pagkain at sa Agrikultura (kilala rin bilang FAO). Kabilang sa mga rehiyon na kulang ang kaunlaran ang
Aprika,
Timog Aprika,
Apganistan, at
Amerikang Latino.