barako


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pagkalalaki
Ang Pagkalalaki o birilidad (Ingles: virility) ay ang anuman sa isang malawak na nasasakupan ng maskulinidad, pagkabarako o pagiging bulog o kabulugan) ng isang lalaki. Hindi ito magagamit sa mga babae o sa negatibong mga katangian. Sinasabi ng Oxford English Dictionary (OED1) na ang pagiging barakung-barako o lalaking-lalaki (o kaya "parang lalaki") o kalibugan ay may "tanda ng lakas o puwersa". Ang pagkalalaki ay pangkaraniwang may kaugnayan sa katalaghayan, pagiging malakas, kasiglahan, pagiging matibay, pagiging mabisa, pagiging malusog, katatagan, at bikas ng katawan (pangangatawan), natatangi na ang kakayahang makagawa ng mga anak. Sa huling diwang ito, ang birilidad ay para sa kalalakihan, samantalang ang pertilidad ay para sa kababaihan. Sinasabi pa rin ng Talahuluganang Ingles ng Oxford na ang virile ay naging wala na sa panahon bilang pagtukoy sa isang nubile (nubilidad), o pagiging puwede nang mag-asawa ng babaeng nasa kaniyang kabataan subalit nasa wasto nang edad - "isang dalagang maaari nang ikasal o hinog na para sa isang asawang lalaki, o Virill."

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.