Ang
manggugupit ay karaniwang tumutukoy sa isang taong gumugupit, tagagupit, o pumuputol ng buhok ng isang kliyenteng nagbabayad. Panlahat na tawag ito maging babae man o babae ang tagagupit. Tinatawag ring manggugupit ang mga
mananabas o
tagatabas ng telang gagamitin sa
pananahi.
Barbero ang tawag sa lalaking manggugupit na ang kadalasang kliyente ay mga kapwa lalaki rin. Sumusunod sa moda o pamantayan ang mga manggugupit. Marunong ding mag-ahit ng
balbas at
bigote ng mga kliyente ang mga ito. May iba ring nagkukulay ng buhok at nagmamasahe sa mga nagpapagupit, lalo kung natapos na ang gupitan.
Pagupitan,
barberya, o
barberuhan ang tawag sa lugar na pinupuntahan ng mga ibig magpagupit. Mayroon ding mga
pedikyurista,
manikurista, at mangungulot sa mga paggupitan ng mga kababaihan.