Ang
barkada ay tumutukoy sa isang pangkat ng mga
magkakaibigan. Sa pinalawak na kahulugan, maaari itong tumukoy sa
umpok o
pulutong ng mga taong nagbibiyahe o mga pasahero, katulad ng mga nakalulan sa isang
barko. Mayroong mabuting barkada at mayroon ding masamang barkada. Katulad ng barkada may hindi mabuting impluwensiya ang
gang, isang pangkat o pulutong ng mga magkakaibigan na kinasasangkutan o kinadadamayan ng mga gawaing labag o laban sa lipunan.