Sa kasalukuyan, ang
barkong may layag (Ingles:
sailing ship) ay tumutukoy na sa anumang malaking sasakyang pantubig na pinapaandar o pinapaanod ng hangin. Sa katagang teknikal, ang isang
barko o bapor ay isang sasakyang pampaglalayag na may tiyak na sangkap o gayak na binubuo ng hindi bababa sa tatlong mga palo ng bapor, na paparisukat na nakagayak sa lahat ng mga ito. Sa popular na paggamit, ang "barko" o "bapor" ay naging kaugnay ng lahat ng malalaking mga sasakyang panlayag at nang dumating ang lakas ng singaw, naging kailangang ang pang-uring "may layag" at mga katulad nito. Ang malalaking mga sasakyang pampaglalayag na walang gayak na panglayag ay maaaring mas angkop na tawaging bilang mga bangka.