- Tungkol ito sa estilo ng musika. Para sa tauhang pangkomiks, pumunta sa Barok (komiks). Puntahan din ang Barok (paglilinaw).
Ang
tugtuging Barok o
musikang Barok (Ingles:
Baroque music) ay ang estilo ng tugtuging klasiko sa Europa mula noong 1600 magpahanggang 1750. Ang kapanahunang ito ay nagsimula pagkaraan ng tugtugin ng
Renasimyento at nasundan ng panahong Klasiko. Ang salitang "barok" o
baroque ay nagbuhat sa
salitang Portuges na
barroco, na may ibig sabihing "perlas na may pangit na hugis", isang nakakakintal at naaangkop na paglalarawan ng arkitektura ng panahong ito; nang lumaon, ang pangalan ay naging ginagamit na rin sa musika ng panahong ito. Bumubuo ang musikang Barok ng pangunahing bahagi ng kanon ng musikang klasiko, dahil malawakang pinag-aaralan, tinutugtog, at pinakikinggan. May kaugnayan ito sa mga kompositor na katulad nina
Johann Sebastian Bach, George Frideric Handel, Alessandro Scarlatti,
Antonio Vivaldi, Jean-Baptiste Lully, Arcangelo Corelli, Claudio Monteverdi, Jean-Philippe Rameau at Henry Purcell. Natanaw ng kapanahunang Barok ang pag-unlad ng katungkulan ng tono. Habang nasa panahong ito, gumamit ang mga kompositor at mga tagapagtanghal ng mas mabusising o kumplikadong mga ornamentasyong pangmusika, gumawa ng mga pagbabago sa
notasyong pangmusika, at nagpaunlad ng bagong mga teknik sa pagtugtog ng mga
instrumentong pangmusika. Lumawak ang sukat, sakop, at kasalimuotan ng pagtatanghal ng mga instrumento ng musikang Barok, at naglunsad din ng
opera bilang uri o henero ng tugtugin. Maraming mga salita o katawagang pangmusika at mga diwa o konsepto ang ginagamit pa rin magpahanggang ngayon.