barter


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Palitan ng paninda
Ang barter ay ang palitan ng paninda na hindi ginagamit ng pera o salapi. Karaniwang ang bagay na kinakalakal o pinagpapalitan ay kasinghalaga ng halaga sa salapi, subalit walang ginagamit o walang pagpapalitan o suklian ng perang nagaganap, mga bagay lamang. Samakatuwid, palitan lamang ito ng kalakal o palitan ng paninda. Tinatawag din itong kambyo, kamkalatse, at tuwayan. Halimbawa nito ang kalakalang nagaganap sa pagitan ng mga Muslim sa Zamboanga, Tawi-Tawi, at Jolo sa Pilipinas.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.