Base (Beis)
Ito ang karaniwang pakahulugan sa (Arrhenius)
base o beis: isang kompuwestong kimikal na tumatanggap ng mga iong hidronio (hydronium ions) kapag tinunaw sa tubig (isang taga-tanggap ng proton). Ang alkali ay isang espesyal na halimbawa ng isang base kung saan ito’y nagdudulot ng iong oksihidro sa aguadong (may tubig) kapaligiran. Sinasabing ang mga base at asido ay magkatunggali dahil sa ang dulot ng isang asido ay pataasin ang konsentrasyon ng iong hidronio (H
3O
+) sa tubig samantalang ang base ay nagpapababa ng konsensantrasyon nito. Natutunaw sa tubig ang lahat ng Arrhenius base (beis) at laging may
pH na higit sa 7.