batong nakatindig


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Nakatayong bato
Ang nakatayong mga bato o mga batong nakatindig ay mga batong pabertikal na inilagay sa lupa. Maaaring isahan lamang o maramihan ang mga ito. Sari-sari ang kanilang mga uri. Kung pangkat-pangkat, nasa anyong pabilog sila, pabilohaba, parang hugis U o parang sapatos na bakal ng kabayo, may magkakapatong din. Matatagpuan sila sa lahat ng mga bahagi ng mundo. Mahirap na mabigyan sila ng tumpak na petsa kung kailan naitayo o alamin ang tunay na layunin para sa mga ito. Sa kung minsan, napakalalaki ng sukat ng mga batong ito, kaya't tinatagurian din sila bilang mga dambuhalang moog, na may kaugnayan sa sinaunang mga seremonyang makapananampalataya at naglalaman kung minsan ng mga libingan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.