Ang
batong gilingan ay isang mabigat na batong ginagamit sa
paggiling ng mga butil o butong bunga ng mga halaman o pananim, katulad ng
galapong. Sa ibang pakahulugan, maaari rin itong maging pahiwatig para sa isang "malaking dalahin o pabigat" sa tao, katulad ng mabigat na suliranin sa buhay.