Ang
sahod o
pasahod (Ingles:
salary), na tinatawag ding
gana (literal na
gain sa Ingles),
ganansya, at
paga (batay sa Kastilang may kahulugang "bayad"), ay isang uri ng umuulit na pagbabayad mula sa sa isang tagapagpahanapbuhay o tagapagpatrabaho papunta sa isang naghahanapbuhay o manggagawa (trabahador), na maaaring tinukoy sa isang kontratang panghanapbuhay. Ipinagkakaiba ito sa mga pira-pirasong pagbabayad (piece wage) na kung saan ang bawat isang gawain o trabaho ay binabayaran ng hiwa-hiwalay, maging kada oras o ibang yunit ng pagsusukat ng panahon, sa halip na paulit-ulit (katulad ng buwanang sahod). Ang sahod ay tinatawag ding
perang pinagpaguran,
upa,
paupa,
bayad, o
pabuya, kaya’t ito ay ang
kinita ng mga manggagawa.