Ang
tagapagmana o
eredero (
eredera kung babae) ay isang taong tumatanggap o nagmamana ng mga bagay na dating pag-aari ng isang kamag-anak. Karaniwang namamana ng tagapagmana ang mga bagay na ito kapag namatay na ang kamag-anakan. Tinatawag na
kalansak ang isang ampon na tagapagmana. Sa
Lumang Tipan ng
Bibliya, tinawag ang
Israel bilang "tagapagmana ng Diyos"; ang Israel ang tumanggap ng Lupang Ipinangako bilang isang mana mula sa Diyos. Sa
Bagong Tipan naman ng Bibliya, tinawag diong mga "tagapagmana ng Diyos" ang mga tao ng Diyos; tinanggap ng mga taong ito ang tatlong handog ng Diyos: (a) ang pagiging matuwid, (b) buhay na walang-hanggan, at (c) ang kaharian ng Diyos. Tinatawag din itong
benepisyaryo (kung lalaki) o
benepisyarya (kapag babae).